Ipinanawagan ni Philippine Iron and Steel Institute President Roberto Cola sa gobyerno ang mas mahigpit na pag-monitor ng mga substandard na bakal na pumapasok sa bansa.
Ito, ayon kay Cola, ay upang matiyak ang kaligtasan ng publiko lalo’t nakasalalay sa bakal ang magiging kalidad ng mga imprastraktura.
Dapat anyang tutukan ng Department of Trade and Industry (DTI) at Bureau of Customs (BOC) ang mga ini-import na bakal partikular ang mga nagmumula sa China.
Bahagi ng pahayag ni Mr. Roberto Cola
By Drew Nacino | Raoul Esperas (Patrol 45)