Isinusulong sa Kamara ang muling pag-aaral ng food safety law matapos ang pagkamatay ng 15 katao dahil sa lambanog.
Ayon kay Laguna Third District Representative Sol Aragones, kailangan ay magpatupad ng mas mahigpit na panuntunan sa paggawa at pagbebenta ng naturang alak.
Aniya, sa ilalim ng resolusyon na kaniyang ihahain, ire-review ang mga batas hinggil sa pagbebenta ng anumang produkto.
Paliwanag pa ng Kongresista, kung kinakailangang repasuhin ay gagawin nila ito upang makasigurong mas magiging ligtas ang mga ibinibenta
Magugunitang itinaas ng lokal na pamahalaan ng Laguna ang temporary ban sa pagbebenta ng lambanog matapos ang naganap na insidente.