Imumungkahi pa rin ng Metro Manila Mayors sa gobyerno ang pagpapatupad ng mas mahigpit na quarantine measures para mapigilan ang muling paglobo ng kaso ng COVID-19 sa bansa.
Ito’y matapos palawigin ng gobyerno ang umiiral na General Community Quarantine “with Heightened Restrictions” sa rehiyon.
Ayon kay MMDA Chair Benhur Abalos, sa pulong nila mamaya kasama ang IATF, muli niyang iaapela ang kanilang petisyon na aniya’y nananatiling posisyon ng Metro Manila Mayors.
Una rito, naglabas ng pahayag si Abalos kung saan ikinukusidera nila ang pagpapatupad ng dalawang linggong Enhanced Community sa rehiyon para tugunan ang tumataas na kaso ng COVID-19 sa bansa.