Iminungkahi ng OCTA research group ang pagpapatupad ng mas mahigpit na ‘bubble’ sa NCR plus areas upang makontrol ang pagkalat ng mas nakahahawang delta variant.
Mababatid na nakapagtala na ng local case ng Delta variant sa bansa na na-detect sa ncr at iba pang rehiyon.
Paliwanag ni OCTA research fellow Dr. Guido David na kapag may bubble ay hindi makakapasok ang delta variant at mapoprotektahan ang NCR plus areas mula dito.
Malilimitahan rin ang galaw ng publiko na para lamang sa essential travels.
Kung istriktong paiiralin aniya ang bubble ay hindi na rin kakailanganing pagbawalan muling lumabas ang mga bata.
Ngunit nagbabala si David na ang Delta variant ay maaaring magdulot ng long-term effects ng COVID-19 sa mga bata.—sa panulat ni Hyacinth Ludivico