Posibleng ibalik anumang araw ang mas mahigpit na restriction sa bansa dahil sa pinangangambahang pagkalat ng COVID-19 Delta Variant.
Ito ang ibinabala ni Pangulong Rodrigo Duterte matapos kumpirmahin ng Department of Health na mayroon ng 11 kaso ng local cases ng Delta Variant dahilan upang sumampa sa 36 ang kaso nito.
Sa kanyang Talk of the Nation, aminado si Pangulong Duterte na naka-a-alarma at nakababahala na ang bilang ng mga tinamaan ng delta variant ng COVID-19 sa bansa.
“Ayon sa punong ehekutibo, ang pagpapatupad ng mas mahigpit na community quarantine o restrictions sa lalong madaling panahon ang ilan pa sa ipinatupad ng mga karatig bansa sa south-east asia bukod sa pagbabakuna. “Ah kapag andito na sakaling ito ay mag-spread, I hope it will not then will have to again in stricter measures… The only one and also tinamaan ng Delta is UK balik din sila sa dati, I urged the DILG and the PNP to implement existing protocols in greater urgency and necessity so this is to imposed and teach us that we can fight the threat of Delta Variant.” Bahagi ng pahayag ni Duterte sa Talk to the Nation kagabi.
—sa panulat ni Drew Nacino