Umapela sa national government ang mga business at industry group higpitan pa ang restriksiyon para sa mga hindi pa bakunado kontra COVID-19.
Ito umano ang paraan ng private sector groups upang mahimok ang hindi pa nagpapaturok na magpabakuna na.
Sa joint statement, inihayag ng mga negosyante na suportado nila ang vaccination policies ng pamahalaan upang mailigtas mula sa malalang sakit ang mayorya ng mga pinoy at makabangon muli ang ekonomiya.
Bagaman may karapatan anila ang lahat na magdesisyon sa vaccination, naniniwala silang dapat mas maging mahigpit ang gobyerno at pribadong sektor sa aktibidad ng mga unvaccinated person para sa kaligtasan ng lahat.
Ipinunto ng grupo na mas nagbibigay ng matinding banta maging sa mga nabakunahan na at nalalagay rin umano sa peligro ang healthcare system kung magiging maluwag ang restriksyon sa mga hindi bakunado.—sa panulat ni Drew Nacino