Sa botong 419-1, inaprubahan ng US House of Representatives ang isang legislation na naglalayong higpitan ang sanction o parusa sa North Korea sa harap ng posibilidad ng paglulunsad nito ng panibagong nuclear program.
Ilan sa mga sanction na ikinukunsidera ng US ay ang pagharang sa mga shipping industry at company na nakikipag-transaksyon sa NoKor.
Kinakailangan pang maaprubahan sa Senado ang nabanggit na measure, bago ito ipadala sa White House para sa lagda ni US President Donald Trump.
By Meann Tanbio
Mas mahigpit na sanction vs. NoKor inaprubahan was last modified: May 5th, 2017 by DWIZ 882