Asahan na ang mas mahigpit na seguridad sa Metro Manila sa pagsisimula ng tradisyunal na simbang gabi o misa de gallo, simula ngayong Sabado ng madaling araw, Disyembre 16.
Ayon kay National Capital Region Police Office (NCRPO) Chief, Director Oscar Albayalde, nasa sampung libong (10,000) pulis ang ipakakalat sa iba’t ibang bahagi ng Metro Manila, simula ngayong Biyernes ng gabi.
Ide-deploy aniya ang mga pulis sa mga matataong lugar lalo na sa paligid ng mga malaking simbahan maging sa mga mall, transport terminal, tiangge at palengke.
Hindi na din aniya kailangan ng augmentation force para i-deploy sa NCR ngayong Christmas season.
Tiniyak naman ni Albayalde na nananatiling payapa ang buong Metro Manila at walang namo – monitor na anumang banta sa seguridad.