Iniutos na ng Department of Transportation (DOTr) sa lahat ng transport operators ang pagpapatupad ng mahigpit na seguridad matapos ang magkasunod na pagsabog sa Isabela City, Basilan.
Ayon sa DOTr, dapat maging mapagbantay ang lahat ng bus, rail, sea vessel at tollway operators laban sa anumang banta sa seguridad.
Ilan sa kailangang paigtingin ay ang pagsuri sa mga gamit na ipapasok at ilalabas, pag-deploy ng security personnel, equipment at K9 units; pag-report ng kahina-hinalang pasahero at security plan sa counter bus attacks.
Noong Lunes, dalawa ang nasugatan sa nasabing mga pagsabog sa isang fast food restaurant at bus terminal sa Isabela City.