Magpapatupad ng mga karagdagang hakbang ang Landbank of the Philippines para matiyak na mahigpit na masusunod ang social o physical distancing sa kanilang mga branches.
Kasunod ito ng ulat na pagkakaroon ng mahabang pagpila at hindi na nasunod na physical distancing sa mga drivers ng mga pampublikong sasakyan na benepisyaryo ng cash subsidy mula sa pamahalaan sa pagkuha ng kanilang ayuda.
Ayon sa Landbank, nakipag-ugnayan na sila sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB), local government units (LGU) at Philippine National Police (PNP) para umasiste sa pagkontrol ng mga benepisyaryo.
Sinabi ng Landbank, lilimitahan na lamang nila sa 500 benepisyaryo kada branch sa kada araw para makontrol ang dami ng mga pumipila at kanilang paghihintay.