Napagkasunduan ng mga Alkalde sa NCR na irekumenda sa Inter-Agency Task Force ang mas mahigpit na quarantine measures dahil sa pagtaas ng COVID-19.
Sinabi ni Metropolitan Manila Development Authority Chairman Benhur Abalos na handa ang Metro Mayors sa pagsasailalim sa enhanced community quarantine sa loob ng dalawang linggo kung mayroong ipapamahaging pondo ang gobyerno para sa social amelioration program.
Sakaling ipatupad ang mas mahigpit na quarantine classification sa Metro Manila, humiling ang mga Alkalde ng apat na milyong bakuna na gagamitin sa panahon ng ipatutupad na ECQ.
Hiniling din ng Metro Mayors na buksan sa lahat ng populasyon ang pagbabakuna.
Tityakin din aniya ng mga Alkalde sa NCR na ipatutupad ang mas pinaigting na contact tracing, mass testing at isolation.―sa panulat ni Hya Ludivico