Pursigido ang Philippine National Police (PNP) sa lansagin ang mga private armed group o ngayong papalapit na ang halalan.
Ito ang pagtitiyak ni PNP Spokesman P/Col. Rhoderick Alba kasabay ng pakikiisa ng kanilang hanay sa paggunita sa ika-12 anibersaryo ng madugong Ampatuan Massacre sa Maguindanao nuong 2009.
Ayon kay Alba, ang malagim na pangyayaring ito aniya ang pinaghuhugutan nila ng lakas at inspirasyon para tuluyang masupil ang mga private armed groups na ginagamit ng mga pulitiko sa tuwing sumasapit ang halalan.
Giit ng PNP, hindi nila kailanman papayagang manaig ang mga political warlords sa bansa na ang tanging layunin ay paki-alaman, babuyin at yurakan ang resulta ng halalan para manaig ang pansarili nilang interes. —sa ulat ni Jaymark Dagala (Patrol 9), sa panulat ni Hya Ludivico