Ipinagmalaki ni Pangulong Rodrigo Duterte ang inilatag na solusyon ng gobyerno upang maputol na ang mahabang pila sa pagkuha ng driver’s license.
Ayon kay Pangulong Duterte, masyado ng maka-luma ang pagpila nang pagkatagal-tagal sa land transportation office kaya’t pinalawig ng 10 taon ang validity ng lisensya.
We have also gone beyond merely addressing the three-million backlog of driver’s licenses in 2016. We also extended, for the new cards, the validity of the driver’s license which will be good for 10 years if there is no traffic violation,” wika ng Pangulong Duterte.
Gayunman, kailangan anyang sumailalim sa medical assessment ang mga driver kada limang taon upang matiyak na maayos pa ang kanilang paningin at pandinig.
There should be a stricter measure to issue the 10 years validity of a driver’s license by imposing stringent requirements to test the essential functions of eyesight, then the hearing. Iyong iba hindi na nakakarinig ng silbato e’,″ pahayag ng Pangulong Duterte.—sa panulat ni Drew Nacino