Nais ni Pangulong Rodrigo Duterte na paikliin na lamang sa isang linggo ang quarantine period ng mga biyaherong dumarating sa bansa.
Aminado si Pangulong Duterte na malaking tulong ito sa mga umuuwing OFW dahil mababawasan ang kanilang pasanin lalo’t mahal ang serbisyo ng ilang hotel sa bansa.
Kahit anya ang gobyerno ay makaluluwag sa gastos kung gagawin na lamang hanggang pitong araw ang quarantine period sa halip na dalawang linggo.
Kaawa-awa naman yung mga kababayan natin, yung mga OFW, pati yung utang natin kasi yung mga hotel na ginagamit natin maganda Manila hotel, diamond hotel, hindi ito basta-basta kung gusto mo makatikim ng magandang hotel na ganon magpahawa ka lang mamili ka ng hotel na gusto mo,” pahayag ng Pangulong Duterte.
Tiniyak naman ni DILG Secretary Eduardo Año na pina-plantsa na nila ang ilang guidelines para sa quarantine period ng mga biyaherong dumarating sa bansa.
…Pina-finalize na lang po namin ito, magiging 5-7 days na lang po ang quarantine period,” wika ni Pangulong Duterte.
Magkasunod na pahayag nina Pangulong Rodrigo Duterte at DILG Secretary Eduardo Año.