Maaaring ibalik agad ng Department of Education ang lumang school calendar.
Ito ang iginiit ng Grupong Teachers’ Dignity Coalition, sa pamamagitan ng pagpapaikli ng school calendar para sa school year 2024-2025.
Paliwanag ng TDC, hindi mainam na isagawa sa Marso hanggang mayo ang face-to-face class, sa gitna ng matinding init.
Dahil dito, binigyang diin ng grupo na dapat tapusin sa Abril 11 sa susunod na taon ang school year na mas maaga, kumpara sa plano ng Department of Education na Mayo 16 ng 2025.
Nauna nang ipinaliwanag ni Vice President at Education Secretary Sara Duterte na makokompromiso ang bakasyon ng mga guro at mag-aaral sa pagpapabilis ng transition sa lumang school calendar. – sa panunulat ni Charles Laureta