Asahang titindi pa ang init ng panahon sa abril.
Ito ang inihayag ng PAGASA matapos maitala ang pinaka-mataas na heat index sa ngayon sa Dagupan City, Pangasinan na 53 degrees celsius noong Marso a-17.
Katumbas ito ng 35 degrees celsius na aktuwal na temperatura at relative humidity na 74%.
Ayon sa PAGASA, ang heat index na mas mataas sa 52 degrees celsius ay ikinukunsidera ng nasa “extreme danger” level.
Kahapon, umabot sa 50 degrees celsius ang heat index sa Dagupan City dakong alas dos ng hapon.
Pinayuhan naman ng State Weather Bureau ang publiko na uminom lagi ng tubig, iwasang lumabas tuwing tanghali hanggang hapon at magsuot din ng komportableng damit.