Pinaghahanda ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ang publiko hinggil sa mas mainit na temperaturang nararamamdaman ng katawan sa mga susunod na araw.
Ito’y dahil sa inaasahan pang titindi ang epekto ng El Niño kahit pa inihayag ng Project Noah na unti-unti na itong humihina.
Sa pagtaya ng PAGASA ngayong araw, posibleng umabot sa 40 degrees celcius ang maitalang heat index o ang init na nararamdaman ng katawan.
Ayon sa PAGASA, hindi lamang tao ang nakararanas ng matinding stress dulot ng tag-init kundi maging ang mga halaman at hayop.
Dahil dito, sinabi ng PAGASA na malaki ang tsansa ng paglaganap ng mga peste at sakit dahil sa kakulangan sa suplay ng tubig dulot ng El Niño.
Magugunitang naitala ang 52.2 degrees celcius na heat index sa Cabanatuan, Nueva Ecija na siyang pinakamataas ngayong summer season.
By Jaymark Dagala