Dahil humihina na ang hanging amihan na nagdadala ng mas mainit na temperatura, makakaranas ng maaliwalas na panahon ang malaking bahagi ng Luzon maliban na lamang sa mga pulu-pulong pag-ulan, pagkulog at pagkidlat.
Mataas naman ang tiyansa na ulanin ang Visayas partikular na sa eastern Visayas dulot parin ng easterlies.
Asahan rin na magiging mas maaliwalas ang panahon sa Central at Western Visayas pero posibleng magkaroon ng pag-ulan, pagkulog at pagkidlat sa hapon hanggang sa gabi.
Magiging maulap naman ang kalangitan sa bahagi ng Caraga at Davao Region dulot parin ng easterlies habang asahan naman ang mas maaliwalas na panahon pero posibleng ulanin sa hapon hanggang sa gabi.
Agwat ng temperatura sa Metro Manila ay maglalaro sa 23°C hanggang 33°C habang sisikat naman ang haring araw mamayang 6:12 ng umaga at lulubog naman ito mamayang 6:04 ng hapon. —sa panulat ni Angelica Doctolero