Asahan na ang mas mainit na panahon sa mga susunod na buwan bunsod ng nararanasang epekto ng El Niño phenomenon.
Ayon kay Dr. Flaviana Hilario, acting Deputy Administrator for Research and Development at Project Manager ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), magiging matindi ang tagtuyot sa pagpasok ng tag-init ngayong taon kumpara sa kaparehong panahon noong 2015.
Posible anyang umabot sa 41.5 degrees celsius ang temperatura sa mga mababang lugar sa Luzon sa Mayo habang inaasahang aakyat sa 39.3 degrees celsius sa Visayas sa Pebrero at 39.5 degrees celsius sa Mindanao sa Marso.
Sa Metro Manila, maaaring umabot sa 38 degrees celsius ang maximum temperature sa Abril habang 38.6 degrees celsius sa Mayo.
Nangangahulugan ito na halos malapit ng umabot sa record high ang maximum temperature.
By Drew Nacino