Asahan na ang mas mainit na panahon sa Metro Manila at ilang rehiyon ngayong linggo.
Ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), posibleng pumalo sa 40.7 hanggang 41 degrees celsius ang heat index sa Huwebes, Mayo 21.
Ang heat index, ang sukatan ng human discomfort base sa aktuwal na temperaturang nararamdaman ng katawan.
Maaari namang umabot sa 39.9 degrees celsius ang maximum heat index ngayong araw at bukas base sa forecast ng PAGASA at 40.2 degrees celsius ang maximum heat index sa Biyernes, Mayo 21.
Samantala, tinaya sa 40 hanggang 41 degrees celsius ang maximum heat index sa Cagayan Valley Region sa Huwebes at 38 degrees celsius sa Ilocos Region sa Miyerkules at 40.1 degrees celsius sa Huwebes.