Magiging maaliwalas ang panahon sa Luzon area maliban nalang sa mga isolated rain showers dulot ng mga localized thunder storms.
Unti-unting mararamdaman ang mas mainit na temperatura sa nalalabing bahagi ng Luzon dahil sa hanging amihan.
Asahan parin ang maulap na kalangitan na may pag-ulan, pagkulog at pagkidlat sa eastern Visayas habang magiging mainit at maalinsangan ang panahon sa buong bahagi ng Mindanao at natitirang bahagi pa ng Visayas pero posibleng ulanin sa dakong hapon at gabi.
Nagpaalala naman ang PAGASA sa ating mga kababayang lalabas o papasok na sa kani-kanilang mga trabaho na panatilihing magdala ng payong bilang proteksiyon sa biglaang pagbuhos ng ulan.
Agwat ng temperatura sa Metro Manila ay maglalaro sa 24°C hanggang 33°C habang sisikat naman ang haring araw mamayang 6:13 ng umaga at lulubog naman ito mamayang 6:04 ng hapon. —sa panulat ni Angelica Doctolero