Asahan na ang mas mainit na panahon ngayong linggo bunsod ng ridge ng high pressure area o HPA.
Ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration o PAGASA, magsisimulang maranasan ang maalinsangang panahon na nakaaapekto sa Northern Luzon partikular sa Tuguegarao, Cagayan at Cabanatuan, Nueva Ecija.
Noong Sabado, umabot sa 37.8 degrees celsius ang temperatura o 48 degrees Celsius na heat index sa Tuguegarao.
Sa ngayon ay asahan na ang maaliwalas na panahon sa bansa na may kasamang localized thunderstorms lalo sa hapon o gabi dahil sa easterlies o mainit na hangin mula sa Pacific Ocean.
Maglalaro naman sa 24 hanggang 34 degrees Celsius ang temperatura sa Metro Manila sa mga susunod na araw.
—-