Pinangangambahan ngayon ang binubuong mas malakas na teroristang grupo sa Mindanao.
Ito ay matapos lumabas ang pangalan ng mga susunod na lider ng mga terorista sa Pilipinas na sinasabing mas maimpluwensya at malakas kaysa sa grupong Maute.
Sinasabing nasa 13 bayan ang magiging stronghold kung magsasama-sama ang apat na posibleng maging susunod na lider ng mga terorista.
Pero ayon kay Task Force Ranao Deputy Commander Col. Romeo Brawner, malabo sa ngayon na muling makabuo ng grupo ang mga terorista lalo’t mulat na aniya ang mga mamamayan ngayon dahil sa sinapit ng Marawi City.
Sa kabila nito, seryoso pa ring tinitignan ng militar ang naturang ula upang hindi na maulit ang nangyari sa Marawi.
—-