Mas malakas na San Miguel Beermen ang aasahan sa 2017-2018 PBA Philippine Cup sa pagpasok ng number 1 overall draft pick na si Christian Standhardinger.
Magugunitang napili ng Beermen bilang first round draft pick ang 6 foot 7 forward na si Standhardinger sa 2017 PBA Draft sa Robinsons Place Ermita, Maynila, kahapon.
Makakasama ng Filipino-German player sa line up ng SMB ang sentro ng team na si Junmar Fajardo kaya’t asahan din ang mas matinding depensa at opensa ng team sa ilalim ng court.
Aminado naman ang 28-anyos na bigman na “excited” na siyang makapaglaro para sa San Miguel.
Samantala, nakuha ng NLEX Road Warriors bilang 2nd draft pick ang dating Ateneo Blue Eagles star player na si Kiefer Ravena; 3rd pick si Raymar Jose ng FEU Tamaraws na maglalaro sa Blackwater Elite; 4th draft pick naman ng Phoenix Fuel Masters si Jason Perkins na nakuha ng Phoenix Petroleum Masters habang 5th draft pick ang kapwa Lasalista na si Jeron Teng na papasok sa Alaska Aces.
—-