Muling pinagtibay ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pangako ng Pilipinas na mas palakasin ang ugnayan nito sa Amerika.
Sa isinagawang joint courtesy call nina US Secretary of State Antony Blinken at Secretary of Defense Lloyd Austin III sa Malacañang, pinuri ni Pangulong Marcos ang bukas na komunikasyon sa pagitan ng dalawang bansa.
Sa pamamagitan nito, napag-aaralan aniya nang mabuti ang mga aksyon na magkasamang pinagpapasiyahan ng Pilipinas at Amerika, kabilang na ang sitwasyon sa West Philippine Sea at Indo-Pacific region.
Kapwa naman pinasalamatan nina Sec. Blinken at Sec. Austin si Pangulong Marcos sa naging mainit nitong pagtanggap sa kanila.
Pagtitiyak ni Sec. Austin, hindi lamang kaalyado kundi kapamilya ang turing ng Amerika sa Pilipinas.
Kaugnay nito, muling idiniin ni Sec. Blinken na handa ang Amerika na magbigay ng kinakailangang tulong para sa Pilipinas.