Mas malaki na ang posibilidad na maibalik ang death penalty o parusang kamatayan.
Ito ayon kay Senate President Vicente Tito Sotto III ay dahil sa posibleng pagpasok ng mga nangungunang senador na pabor sa nasabing panukala.
Sinabi ni Sotto na naging basehan din nito ang pagboto ng mga mamamayan dahil alam ng publiko kung sinu sinong kandidato ang pabor at kontra sa death penalty.
Binigyang diin ni Sotto na kailangang ipatupad ang parusang kamatayan lalo na kung tumaas ang kaso ng drug trafficking sa bansa.
(with report from Cely Ortega- Bueno)