Nagbabala ang Climate Change Commission na posibleng makaranas ng mas malalakas na bagyo matapos ang nararanasang El Niño sa bansa.
Sinabi ni Climate Change Commission Vice Chairperson Mary Ann Lucille Sering, 3 ang karaniwang epekto ng El Niño na kinabibilangan ng mahabang panahon ng tag-init, La Niña phenomenon at pagsiklab ng bush fire.
Tiniyak naman ng opisyal na nakahanda ang pamahalaan sa posibleng epekto ng El Niño at La Niña.
By Meann Tanbio