Asahan pa ang malalakas na pag-ulan sa mga susunod na araw.
Ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), dadalhin ng southwest monsoon o habagat ang mga naturang pag ulan na katulad nang naranasan kahapon.
Umabot kahapon sa 50 milliliters ang kabuuang rainfall amount na naitala ng PAGASA sa Quezon City mula alas-2:00 ng hapon hanggang alas-8:00 ng gabi.
Kasabay nito, ipinabatid ng PAGASA na malapit na nilang tuluyang ideklara ang pagpasok ng rainy season lalo’t kabilang ang 5 araw na magkakasunod na pag-ulan sa mga batayan ng ahensya para rito bukod pa sa pag-iral ng thunderstorm at pagkakaroon ng southwest wind.
Binabantayan din ng PAGASA ang isang posibleng LPA o Low Pressure Area sa bahagi ng Mindanao.
By Judith Larino