Nagbabala ang OCTA Research Group sa posibleng pagkalat sa Metro Manila ng mas nakahahawa at nakamamatay na COVID-19 Delta variant mula India.
Ito’y matapos magdagsaan ang ilang mag-anak sa iba’t ibang pasyalan bilang pagdiriwang ng Father’s Day kahapon.
Ayon kay Professor Guido David ng OCTA research, hindi dapat magpaka-kampate ang publiko lalo ang mga binakunahan kontra COVID-19
Bukod anya sa vaccination, dapat ding tutukan ng pamahalaan ang lahat ng dumarating mula ibang bansa sa lahat ng paliparan at pantalan. —sa panulat ni Drew Nacino