Nagbabala ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) kaugnay sa mas malalang daloy ng trapiko pagsapit ng “ber” months.
Ayon sa MMDA, Hulyo at Agosto pa lamang ay mabigat na ang daloy ng trapiko kung saan nasa 19 kilometers per hour (kph) na ang bagal ng traffic sa EDSA at iba pang pangunahing kalsada.
Kaya’t asahan umano na mas lalo pa itong babagal sa mga susunod na buwan.
Depensa ng MMDA, limitado lamang ang kanilang kapangyarihan at tanging paghihigpit sa yellow lane ang kaya nilang ipatupad.