Nagsasagawa na ng malalimang imbestigasyon ang Bureau of Customs (BOC) kaugnay sa tangkang pagpuslit ng 80 milyong pisong halaga ng alahas na nakita sa lavatory ng isang eroplano patungo sa Hong Kong.
Ayon sa BOC, ipinag-utos ni BOC-NAIA District Collector Carmelita Talusan ang mas malalim na pagsisiyasat kabilang ang pagtukoy sa mga taong responsable sa smuggling attempt.
Matatandaang una rito, noong nakaraang linggo ay aabot sa 22 kilong hinihinalang shabu ang nakumpiska ng mga otoridad sa limang suspek sa Ayala-Alabang Village sa Muntinlupa City.
Isinagawa ang operasyon matapos ang impormasyong ilang dayuhan ang nagpapadala ng shabu at cocaine sa Australia.