Asahan ang mas malamig pang panahon sa mga susunod na araw sa malaking bahagi ng Luzon.
Ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration o PAGASA, sa kalagitnaan pa ng buwan ng Pebrero mararamdaman ang peak ng amihan o northeast monsoon.
Dahil dito, ipinabatid ng PAGASA na posibleng bumaba pa ang kasalukuyang temperatura sa Baguio City na nasa 9 degrees Celsius ngayon.
Samantala, wala namang namamataang sama ng panahon ang PAGASA sa paligid ng Philippine Area of Responsibility (PAR).
—-