Asahan na ang mas malamig na panahon sa mga susunod na araw.
Ito ay matapos i-anunsyo ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) na opisyal nang nagtapos ang pag-iral ng southwest monsoon o hanging habagat sa bansa.
Ayon sa PAGASA, patunay nito ay humina na ang habagat nitong mga nagdaang araw habang unti-unti namang lumalakas ang high pressure systems na indikasyon ng transition.
Ipinaliwanag ng PAGASA na ang pattern na ito ay panimula na ng pag-iral naman ng northeast monsoon o amihan na magdadala ng malamig na panahon.