Asahan ang mas malamig pang temperatura sa Luzon at Visayas.
Ayon sa PAGASA, ito ay epekto ng umiiral na northeast monsoon o hanging amihan.
Kahapon naitala ang 21 degrees Celsius ang minimum na temperatura ang naitala sa PAGASA Science Garden sa Quezon City alas-6:20 ng umaga habang umabot lamang sa 30.3 degrees Celsius ang pinakamataas na temperatura ala-1:50 ng hapon.
Ayon sa PAGASA asahan ngayong araw ang magandang lagay ng panahon sa buong Luzon at Visayas habang makakaranas naman ng pulo-pulong pag-ulan ang mga lalawigang nasa silangang bahagi.
—-