Asahan na ang mas malamig na panahon ngayong Enero lalo na sa Hilagang Luzon sa oras na lumakas pa ang northeast monsoon o amihan.
Ayon sa pagasa, pumalo sa 14.4 degrees celsius ang temperatura sa Baguio kahapon enero-a-sais kumpara nuong linggo na may 14.6 degrees na temperatura.
Sinundan naman ito ng Tanay, Rizal na nakapagtala ng 19 degrees celsius.
Samantalang nasa pagitan naman ng 22 degrees celsius hanggang 30 degrees celsius ang naitala sa Metro Manila. – Sapanulat ni Alyssa Quevedo