Inihayag ni Assistant Weather Services Chief Analisa Solis, ng Climate Monitoring and Prediction Section at Climatology and Agrometeorology Division na asahan na ang mas malamig na temperatura sa susunod na dalawang buwan sa taong 2022.
Ayon kay Solis, sa pagsapit ng buwan ng Enero at Pebrero ay maitatala ang pinaka mababang temperatura bunsod ng cold surges o maagang pag-iral ng hanging amihan.
Matatandaang naitala ang pinakamalamig na temperatura sa benguet na 10.8 °C at posible pa itong bumaba sa susunod na taon.
Sinabi pa solis na magandang implikasyon rin ang pagkakaroon ng malamig na panahon sa bansa dahil hindi natutuloy ang pagpasok ng mga bagyo sa Philippine Area of Responsibility. —sa panulat ni Angelica Doctolero