Bumaba pa sa 19°C ang temperatura sa Metro Manila ngayong ‘amihan’ season.
Naitala ito sa Science Garden sa Quezon City, dakong ala sais ng umaga kahapon kumpara sa 19.7 °C noong linggo.
Ayon sa PAGASA, ito na sa ngayon ang pinaka-mababang temperatura sa Metro Manila nang magsimula ang Northeast monsoon.
Umabot naman sa 12°C ang temperatura sa Baguio City; 17.5 °C sa San Jose, Occidental Mindoro; 17.6°C sa Casiguran, Aurora; 17.6 °C sa Tanay, Rizal;
17.8°C sa Tuguegarao City, Cagayan; 18.7°C sa Laoag City, Ilocos Norte; 19°C sa Abucay, Bataan; 19.2°C sa Subic, Zambales habang 19°C sa Malaybalay, Bukidnon.
Inaasahang magpapatuloy ang malamig na panahon hanggang unang linggo ng Marso.