Nanawagan ang National Commission of Senior Citizens (NCSC) para sa isang mas malawak na informational campaign upang hikayatin ang mga matatanda na magpabakuna kontra COVID-19.
Ayon kay NCSC Chairperson Franklin Quijano, bagama’t lumalabas na mataas ang pagtanggap ng pagbabakuna sa mga matatanda, ang ilan ay ayaw pa ring magpa-turok dahil sa takot sa mga karayom at maling paniniwala sa bakuna.
Dadag pa ni Quijano, na may ilang lugar pa na hindi pa naipapaabot ang information dissemination campaign sa mga LGU level.
Samantala, hinikayat ni Quijano ang mga LGUs na pa-igtingin pa ang kanilang kampanya at sundin ang mga panuntunan kaugnay sa COVID-19 inoculation. —sa panulat ni Kim Gomez