Maglulunsad ng sarili at mas malawakang tigil-pasada ang grupong PISTON o Pinag-Isang Samahan ng Tsuper at Operators Nationwide at Phase Out Coalition sa susunod na buwan.
Ito ang inihayag ng PISTON kasabay ng paglilinaw na hindi sila lalahok sa dalawang araw na tigil-pasada ng Stop and Go Coalition.
Sinabi ng PISTON na wala naman silang natanggap na impormasyon at wala ring koordinasyon sa kanila ang grupong Stop and Go.
Samantala, target ng PISTON na maisagawa ang tigil-pasada sa susunod na buwan hindi lang sa Metro Manila kundi maging sa ibang panig ng bansa na layong kalampagin si Pangulong Rodrigo Duterte hinggil sa isinusulong na modernisasyon sa mga pampasaherong jeep.
—-