Asahan pa ang mas malawakang tigil-pasada na ilulunsad ng Stop and Go Coalition.
Ito ang babala ni Stop and Go Coalition President Jun Magno matapos ang inilunsad nilang transport strike kahapon na nagresulta sa pagkakakansela ng ilang klase sa Metro Manila at libu-libong mga pasaherong walang masakyan ng jeepney.
Sinabi ni Magno na target nilang maparalisa ng walumpung (80) porsyento ang public transports sa susunod nilang tigil-pasada.
Iginiit ni Magno na tanging tigil-pasada lamang ang nakikita nilang paraan para pakinggan ng pamahalaan ang kanilang hinaing.
Matatandaang mariing tinututulan ng grupo ang plano ng gobyerno na i-phase out ang mga matatanda nang jeepney.
By Ralph Obina