Pinamamadali na sa Kamara ang pagpapatibay sa panukalang pagpapalawig sa maternity leave ng mga nanay.
Ayon kay Bagong Henerasyon Representative at Women and Gender Equality Chairman Bernadette Herrera – Dy, matagal nang nakabinbin sa debate ang expanded maternity leave na huling natalakay sa ikalawang pagbasa.
Gayunman , sinabi ni Herrera – Dy, na una nang tiniyak sa kanila ni Speaker Pantaleon Alvarez na maipapasa ang panukalang ito sa ikatlong pagbasa bago ang kanilang break sa Semana Santa.
Sakaling maging ganap na batas ang naturang panukala, magiging 100 araw na ang maternity leave mula sa kasalukuyang umiiral na 60 araw para sa normal delivery at 78 araw naman para sa ‘caesarean delivery’