Nakatakdang magpalabas ang CHED o Commission on Higher Education sa Huwebes, Mayo 18 ng mas malinaw na guidelines hinggil sa free- tuition policy sa mga SUC’S o State Universities and Colleges para sa School Year 2017-2018.
Sa ilalim ng free tuition guideline ng CHED, sagot ng gobyerno ang tuition sa mga SUC’S, pero hindi kasama rito ang miscellaneous fees gaya ng library at laboratory fee.
Kasabay nito, dedesisyunan ng CHED sa Huwebes ang hirit ng ilang private tertiary institutions na payagan silang magtaas ng matrikula.
Nabatid na ang tanging inaprubahan ng CHED ay ang tuition fee increase sa ilang pribadong kolehiyo at unibersidad sa Bicol, Caraga at Davao Region.
By: Meann Tanbio