Tatapatan ng gobyerno ang mga ginagawang paghahasik ng karahasan ng Abu Sayyaf sa Mindanao.
Inihayag ito ng Malacañang matapos mapanood ang inilabas na video ng mga bandido kung paano pinugutan ang Canadian hostage na si John Ridsdel at ang bantang pupugutan din si Pangulong Benigno III Aquino kapag nahuli ito ng kanilang grupo.
Sinabi ni Presidential Communications Secretary Sonny Coloma na sasapitin din ng mga bandido ang ipinalasap nilang kalupitan sa mga bihag at sa mga lugar kung saan sila naghasik ng karahasan.
Iginiit ni Coloma na seryoso ang gobyerno na madurog ang mga bandido kaya’t hindi titigil ang mga tropa ng pamahalaan hangga’t sa matiyak na napuksa na ang mga ito.
By Meann Tanbio | Aileen Taliping (Patrol 23)