Binabalangkas na ng Department of Health (DOH) ang rekomendasyong mas luwagan ang border restrictions sa bansa.
Ayon kay Health officer-in-charge Undersecretary Maria Rosario Vergeire, malaking tulong at mas mabilis aangat ang eknomiya ng bansa kung magluluwag ng restriction sa mga dayuhang biyahero na nais magpunta sa Pilipinas.
Iginiit ni Vergeire na may mga bansa narin ang nagluwag at nag-alis ng restrictions kahit nahaharap pa rin sa banta ng COVID-19 pandemic ang buong mundo.
Sinabi pa ni Vergeire na kanilang pag-uusapan sa linggo kasama ng Inter-Agency Task Force (IATF) kung dapat nabang alisin ang border restriction dahil kailangang makabawi ang bumagsak na ekonomiya ng bansa.