Inihirit ng Philippine Association of Medical Technologists Group of Medical Technologists (PAMET) na taasan ang bilang ng ipinadadalang healthcare workers sa US.
Ayon kay Labor Attache Angela Trinidad ng Philippine Overseas Labor Office o POLOSA Washington DC, nais ng PAMET na magkaloob ng oportunidad sa kanilang mga kapwa medical tecnologist.
Aabot anya sa 110,000 ang demand sa medical technologists sa Amerika.
Gayunman, sinuspinde ni Philippine Overseas Employment Administration Administrator Bernard Olalia ang deployment ng healthcare workers sa ibayong dagat matapos umabot sa 5,000 ang quota.
Ipinaliwanag naman ni trinidad na nasa 2.5 milyong nurses ang kakailanganin sa Estados Unidos sa mga susunod na taon dahil sa laki ng bilang ng mga magre-retirong nurse. —sa panulat ni Drew Nacino