Inaasahan na ng OCTA research group ang pagtaas sa maitatalang kaso ng coronavirus disease (COVID-19) sa susunod na 2 linggo.
Ito ay bunsod anila ng unti-unting pagdami ng mga pinapayagan nang bumiyaheng pampublikong sasakyan sa National Capital Region (NCR) kasabay ng dahan-dahang pagbubukas muli ng ekonomiya ng bansa.
Ayon sa OCTA research group, maaaring maging dahilan ng pagtaas sa kaso ng COVID-19 ang unti-unti pero patuloy na nadaragdagang bilang ng magagamit na public transport.
Kaugnay nito, hinimok ng OCTA research group ang pamahalaan na mas pataasin pa ang kapasidad ng national healthcare system ng bansa na siyang tutugon sa posibleng outbreak ng COVID-19 sa hinaharap.
Dapat din anilang dagdagan ang testing capacity, magpatupad ng mas masigla at puspusang sistema ng contact tracing, pagamit ng contact tracing app, patuloy na pagtatayo ng mas maraming isolation facilities at pagpapahuyas sa pandemic surveillance sa buong bansa.