Hindi nagkaroon ng pagluluwag sa quarantine protocols ngayong magsisimula na ang pagpapatupad ng alert level system.
Ito ang inihayag ni Health Undersecretary at Treatment Czar Leopoldo Vega at nilinaw na layunin ng nasabing sistema ay upang tanging ang mga may mataas na COVID-19 cases ang isailalim sa lockdown.
Binigyang diin pa ni Vega na ginawa ng pamahalaan ang hakbang upang hindi na magdulot pa ng kalituhan sa publiko kung anong quarantine status ang ipinatutupad sa isang lugar.
Kinakailangan na rin aniyang magpatuloy ang pagbubukas ng ekonomiya lalo na’t hindi naman tumitigil ang vaccination rollout sa bansa.—sa panulat ni Hya Ludivico