Hindi na kailangan pang muling sumailalim sa RT-PCR test at five day quarantine ang mga uuwing residente at biyahero sa lalawigan ng Bohol.
Alinsunod ito sa Executive Order No.44 ni Bohol Governor Arthur Yap.
Gayunman, kailangan pa ring magpakita ng negatibong RT-PCR test result bago makapasok ng probinsya.
Dapat ring makipag-ugnayan ang mga biyahero sa kanilang local government units sa pamamagitan ng Safe, Swift, and Smart Passage o S-Pass travel management ng Department of Science and Technology.
Sa ngayon, nasa 14,324 na ang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa lalawigan ng Bohol.—sa panulat ni Hyacinth Ludivico