Pinag-aaralan na ng technical working group ng gobyerno ang posibleng pagluluwag sa quarantine protocols para sa mga Pilipinong uuwi mula sa ibang bansa sa gitna ng papalapit na holiday season.
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, layunin ng hakbang na ma-engganyo ang mga kapwa pinoy, lalo ang mga matagal nang hindi nakauuwi, na maranasan ang christmas vacation sa Pilipinas.
Sa issue naman kung posibleng magdagdag ang pamahalaan ng mas maraming bansa sa green list o yellow list, nilinaw ni Roque na ang desisyon ay ibabatay pa rin sa siyensya.
Samantala, inihayag ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na nakatanggap na sila ng ilang request mula sa mga embahada hinggil sa naturang issue. —sa panulat ni Drew Nacino