Posibleng luwagan pa sa susunod na School Year ang ipinatutupad na social distancing measures sa mga paaralang nasa ilalim ng Alert level 1 at 2.
Ayon kay Department of Education (DepEd) undersecretary Nepomuceno Malaluan, inaasahan na nila ito sa bagong guidelines ng kagawaran tungo sa new normal sa darating na School Year 2022-2023.
Lahat ng detalye sa implementasyon ng face-to-face classes ngayong Agosto ay lalamanin nang isinasapinal nilang guidelines para sa recovery at pagpapatuloy ng school year.
Samantala, bukas naman ang DepEd na iprisinta sa bagong administrasyon ang gawain.